December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI Jhoana, sinagot ang isyung buntis siya

BINI Jhoana, sinagot ang isyung buntis siya
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Freepik

Nagsalita na si Jhoanna Robles—leader ng Nation’s girl group na BINI—patungkol sa lumulutang na tsikang buntis umano siya.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Agosto 22, sinabi ni Jhoanna na natatawa na lang umano siya kapag nakakabasa ng ganitong komento sa TikTok.

“Bago po ‘yang isyu na ‘yan, mayro’n po akong TikTok video na kumakain akong mangga,” lahad ni Jhoanna. ”So ‘yong comment na ‘yon, ‘Ayan, naglilihi na siya.’ Diyos ko, lahat na lang!”

Dagdag pa niya, “Tapos lumabas po ako kahapon kasama ‘yong mga pinsan ko, naka-loose akong damit. Ayan, nag-loose siya ng damit kasi malaki na ‘yong tiyan niya. Parang hindi ba puwedeng busog lang?”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero ayon kay Jhoanna, hindi na raw siya naaapektuhan pa sa ganitong klaseng intriga na iniuugnay sa kaniya.

“Kasi parang kung ano-ano na lang po talaga ‘yong masabi ng tao sa amin kahit hindi totoo. Saka ba’t ako maapektuhan kung alam kong hindi naman totoo,” dugtong pa ng BINI leader.

Ngunit kung may iniyakan man si Jhoanna, ito ay kapag nadadamay sa isyu ang pamilya niya at mga mahal sa buhay.

Paliwanag niya, “Pumasok po ako dito, ni-ready ko na ‘yong sarili ko. Darating ‘yan, ‘yang mga bash na ‘yan. [...] Weakness ko po talaga ang family talaga.”