December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

McCoy De Leon, Elisse Joson split na ulit!

McCoy De Leon, Elisse Joson split na ulit!
Photo Courtesy: Elisse Joson (IG)

Inanunsiyo ni Kapamilya actress Elisse Joson na hiwalay na ulit sila ng partner niyang si dating “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon.

Sa latest Instagram post ni Elisse nitong Biyernes, Hulyo 25, sinabi niyang ang pinakamalaking pangarap daw niya ay makabuo ng pamilyang matatawag niyang kaniya.

“But now, we're learning to let go. Together, we're releasing that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter,” saad ni Elisse.

“And letting go doesn’t mean we failed,” pagpapatuloy niya.” Because what we had was real. And it gave us the greatest gift. Our Felize.”

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Dagdag pa niya, “No matter how life changes, we will always belong to her. Her mommy. Her daddy. Her family. That will never ever change.”

Ayon kay Elisse, isinapubliko niya ito upang bigyan ng dangal kung ano ang mayroon sila ni McCoy at bigyan ng espasyo ang paghilom. 

Kaya naman hindi na raw kailangan pa ng mga espekulasyon o hinala. Nakiusap siya ng respeto at kabutihan.

“Thank you for holding space for our story. This is us, stepping into a new chapter with love, respect, and no regrets,” anang aktres.

Matatandaang matapos mapaulat ang hiwalayan nilang dalawa noong 2023 ay lumutang din kalaunan ang kuwento na muli silang nagkabalikan.

MAKI-BALITA: McCoy at Elisse, nagkabalikan nga ba?

Inirerekomendang balita