December 14, 2025

Home BALITA

Orange warning level, itinaas sa Metro Manila, karatig na lugar

Orange warning level, itinaas sa Metro Manila, karatig na lugar
(PAGASA)

Nakataas sa ORANGE WARNING LEVEL ang Metro Manila at mga karatig na lugar, ayon sa PAGASA, as of 10:45 AM ngayong Lunes, Hulyo 21.

Sa heavy rainfall warning no. 31 ng PAGASA, nakataas sa ORANGE WARNING LEVEL ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, Batangas (Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Calaca, Laurel, Lemery, Talisay, Tanauan) at Laguna (San Pedro, Santa Rosa, Binan, Cabuyao, Calamba).

Ibig sabihin, nananatiling bantang panganib ang posibleng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot pa rin ng southwest monsoon o habagat.

YELLOW WARNING LEVEL naman sa Tarlac, Laguna (Alaminos, Bay, Calauan, Liliw, Los Banos, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, San Pablo, Santa Cruz, Victoria, Cavinti, Famy, Kalayaan, Lumban, Mabitac, Paete, Pakil, Pangil, Santa Maria, Siniloan) at Batangas (Lipa, Santo Tomas, Malvar, Balete, Mataasnakahoy, San Jose, Cuenca, San Pascual, Alitagtag, Bauan, Mabini, Tingloy, San Luis, Santa Teresita, Taal, Agoncillo, San Nicolas).

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Posible ang pagbaha sa mga lugar na madalas bahain o flood-prone areas.

Iminumungkahing bantayan ng publiko at ng mga tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na babala na ilalabas ng 2:00 PM ngayong araw.

Samantala, nagsuspinde ng afternoon classes ang ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon.

BASAHIN: ALAMIN: Listahan ng mga nagsuspinde ng afternoon classes ngayong July 21

BASAHIN: #WalangPasok: Class suspensions para sa Lunes, Hulyo 21, 2025