January 01, 2026

Home BALITA Metro

Natenggang Dalian train, aarangkada na—PBBM

Natenggang Dalian train, aarangkada na—PBBM
Photo Courtesy: Office of Senator Raffy Tulfo via MB

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makakabiyahe na ang mga Dalian train sa MRT-3 na natengga ng ilang taon.

Matatandaang ayon sa ulat, hindi nagamit ang Dalian train dahil sa hindi nalutas na incompability issues nito sa railway system.

Pero sa talumpati ni Marcos sa Santolan-Annapolis Station nitong Miyerkules, Hulyo 16, sinabi niyang muli nilang ininspeksyon ang naturang train upang matukoy ang kailangang gawin para makaarangkada ang 48 train na binili sa China noon pang 2014.

“Ang ginawa natin, binalikan natin itong mga ito at tiniyak natin kung ano man ang kailangang gawin para magamit ang Dalian train na ito,” saad ni Marcos.

Metro

'Halata nga pong walang mag-eedit!' Netizens, pinagpyestahan video editing ni Mayor Vico Sotto

Dagdag pa niya, “Kaya itong train na nakikita natin sa harap na ito, naayos na ito. Pwede nang gamitin. Kaya mula ngayon, mayro'n na tayong magagamit na karagdagan.”

Isinabay ng pangulo ang anunsiyo tungkol dito sa paglulunsad ng ng 50% diskuwento sa pamasahe para sa person with disabilities (PWD) at senior citizens na pasahero ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

MAKI-BALITA: Diskuwento sa train para sa PWD, senior citizens inilunsad ni PBBM