Usap-usapan ang Kapuso actor na si Paul Salas matapos sumemplang sa pag-upo ang isang babae nang bigla niyang kunin ang monobloc chair na uupuan sana nito.
Sa viral video, makikitang buong giliw pang nagpaunlak sa selfie si Paul habang nakayakap sa kaniya ang nabanggit na babae, habang kumakanta siya sa isang barangay event.
Maya-maya ay lumayo na si Paul para lumapit sa iba pang manonood. Makikitang hindi niya sinasadyang bitbitin ang plastik na upuan upang tuntungan, na sakto namang uupuan sana ng babae.
Hindi naman ito napansin ni Paul kaya tuloy lang siya sa pagkanta. Makikita namang tinulungan ng ilang katao ang nabanggit na babae, at nakabangon naman.
Biro naman ng mga netizen, tila niliteral naman ng aktor ang kaniyang pagiging "pa-fall."
Samantala, wala pang update kung nasaktan ba ang nabanggit na babae at kung nilapitan ba siya ni Paul pagkatapos ng insidente.
Bukas naman ang Balita sa panig ni Paul.