April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Rider na nawalan ng balanse, nagulungan ng truck!

Rider na nawalan ng balanse, nagulungan ng truck!

Patay ang isang motorcycle rider matapos siyang masagasaan ng isang truck nang matumba ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa Marilao, Bulacan.

Ayon sa mga ulat, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang biktima na naging dahilan upang siya ay matumba at mapunta sa ilalim ng paparating na truck.

Bunsod nito, nagulungan ng sasakyan ang rider na agad niyang ikinasawi.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck. 

Depense niya, hindi niya umano napansin ang insidente at sa side mirror na lamang niya nakita na may nasagasaan siyang motorista.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide kaugnay ng nangyaring aksidente.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng nasawing rider.