Tila nagiging online scammers na raw ngayon ang mga dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers, ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Sinabi ni PNP-ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang sa isang panayam nitong Huwebes, Hunyo 26, na halos ng mga online scams ay nagmula sa mga dating POGO worker. na natuto na mag-operate ng ganong klaseng iskema.
Gayunpaman, hindi raw ito nakakaalarma dahil bumaba raw ang mga kaso ng online scams.
“It’s not alarming. If you look at our data, compared to 2022, 2023, 2024 to now, the cases of online scams are declininhg," saad ni Yang. “Their style and their approach are rather the same, but they already do have a format on how they do this kind of online scam. The bottom line here is for them to get money."
Nauna na ring sinabi ni Yang na nasa mahigit 5,000 katao ang naaresto sa iba't ibang online scams sa unang kahalati ng taong 2025.
“For this 2025 from January to June, mid-June, we have already arrested 5,099 on various offenses online. We can call these cybercrime cases,” saad niya sa Bagong Pilipinas public briefing.
“Mostly ay mga dating nagtrabaho... dating security guard, yung iba former employee of POGOs… dahil nag-stop yung POGO operation sa Pilipinas, nagsagawa sila ng kanilang racket ng online scams,” dagdag pa niya.
Matatandaang noong nakaraang taon, idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na "banned" na ang POGO sa bansa.
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH
Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN news, sinabi ni Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, hindi raaw nakagugulat na naging online scammers na ang mga dating nagtatrabaho sa POGO.
"I would not be surprised kasi yung ibang natanggal, nawala POGO diba. Nag divert sila to other ventures such as financial crimes and hacking. I would not be surprised by that statement by the PNP," ani Aguda.
Kamakailan lamang, nakatanggap ng reklamo mula sa ilang Pilipino ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kaugnay sa mga bantang natatanggap nila sa mga abusadong online lending applications.
Natuklasan umano ng PAOCC na konektado ang nasabing applications sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
BASAHIN: Abusadong online lending apps, konektado sa POGO —PAOCC