December 13, 2025

Home BALITA National

Sigaw ni Sen. Risa: 'Outnumbered, but not outfought!'

Sigaw ni Sen. Risa: 'Outnumbered, but not outfought!'

Ipinagmalaki ni Senator-judge Risa Hontiveros ang larawan nila ng limang senator-judges na tumutol sa mosyon ni Senator-judge Alan Peter Cayetano, na amyendahan ang mosyon ni Senator-judge Ronald "Bato" Dela Rosa na ibasura ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ang naging mosyon ni Cayetano ay ibalik ang Articles of Impeachment sa House of Representatives, na ibinigay na sa kanila noong Pebrero.

Makikita sa larawan ang kaniyang sarili, si Senate Minority Leader Koko Pimentel, Sen. Grace Poe, Sen. Nancy Binay, at Sen. Win Gatchalian.

"Outnumbered, but not outfought," mababasa sa caption ng post.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Paglilinaw naman ni Senator-judge Cayetano, ang hakbang na ito ay hindi "dismissal" ng impeachment.

Nilinaw rin ni Senate President at presiding officer Chiz Escudero na magpapadala ng summons ang Senado sa kampo nina VP Sara at Kamara upang sagutin ang ilang mga tanong sa kanila, at kailangan nilang sagutin sa loob ng 10 araw.

KAUGNAY NA BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?