May 01, 2025

Home BALITA National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/website

Isang 4.4-magnitude na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Mayo 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:38 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 350 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 91 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

SP Chiz sa Labor Day: 'Bigyang-pugay ang ating mga manggagawa!'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.