Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na nakatakda umanong ilaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang ilang araw ng Semana Santa kasama ang kaniyang pamilya.
Sa press briefing nitong Lunes, Abril 14, 2025, bagama’t wala umanong mga detalyeng binanggit sa kaniya ang Pangulo, iginiit ni Castro na maglalaan umano muna ng oras si PBBM sa kaniyang pamilya simula sa Huwebes Santo.
“Makakasama n'ya po ang kaniyang pamilya. He will spend his time with his family at ang mga detalye po ay hindi ko na po maibibigay,” ani Castro.
Dagdag pa niya, “Itong Holy Week na 'to ay bibigyan naman niya ng oras ang kaniyang pamilya para po sila'y magkasama-sama dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo sa kaniyang mga activities.”
BASAHIN: ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa wastong paggunita ng Semana Santa