March 28, 2025

Home BALITA National

DOTr sa NLEX: Gawing libre muna ang toll fee

DOTr sa NLEX: Gawing libre muna ang toll fee
photo courtesy: Mark Balmores/MB

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation nitong Biyernes, Marso 21, na pansamantalang i-waive ang toll fees sa mga lugar na apektado ng mabigat na daloy ng trapiko, bunsod nang naganap na aksidente sa Marilao Interchange Bridge.

“I am demanding from NLEX na habang ginagawa ito at naaaberya ang mga kababayan natin, para sa areas, segment na may aberya, ilibre muna nila ang toll,” ayon pa kay DOTr Secretary Vince Dizon, sa media interview.

Giit niya, “Wala dapat babayaran ang mga kababayan natin habang ginagawa nila ito at habang one and a half hour ang nakabinbin dyan. They owe it to the public na huwag muna silang maniningil for that segment lang na tinamaan.”

Matatandaang kasalukuyang masikip ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng NLEX matapos na suruin ng truck ang Marilao Interchange Bridge, na nagresulta sa pagkasira nito.

National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

Sinabi naman ni NLEX senior manager for traffic operations Robin Ignacio na posibleng abutin ng hanggang tatlong linggo ang pagkukumpuni sa tulay.

Pinayuhan na rin naman ng NLEX ang mga motorista na humanap na rin muna ng alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon upang makaiwas sa masikip na daloy ng trapiko.