December 13, 2025

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/website

Isang 4.1-magnitude na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Marso 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:04 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 17 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, SARANGANI.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Inirerekomendang balita