March 19, 2025

Home BALITA National

Sigaw ni Castro: 'Bring Home Roque!'

Sigaw ni Castro: 'Bring Home Roque!'
Photo courtesy: via MB/Harry Roque (FB)

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hindi lamang daw magandang isigaw ang "Bring FPRRD Back Home" ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kundi maging ang "Bring Home Roque."

Tumutukoy ito kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands para sa paghahangad na maipagtanggol ang dating pangulo bilang legal counsel.

Giit ni Castro, mas mainam daw na pabalikin si Roque sa bansa upang harapin ang House inquiry, kaugnay sa umano'y pagkakadawit niya sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Matatandaang may arrest order sa kaniya ang House Quad Committee matapos hindi sumipot sa pagpapatawag sa kaniya sa pagdinig.

"Mas maganda po siguro na i-challenge po talaga natin siya na siya po ‘yong umuwi," aniya sa pagharap sa press nitong Lunes, Marso 17.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

"Kasi ‘di ba, ‘Bring home FP Duterte’, so siguro mas magandang isigaw po rin ng mga tao, ‘Bring Home Roque’,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Roque na magfa-file siya ng asylum sa pamahalaan ng Netherlands upang makapanatili roon.

MAKI-BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands