Pinaalalahanan ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes ang publiko hinggil sa ipinapakitang kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong maaresto ng International Criminal Court (ICC).
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Miyerkules, Marso 12, sinabi ni Trillanes na kung makapostura umano ang kampo ni Duterte ay tila ito ang mga inapi.
“Hindi po siya inapi. ‘Yong mga nakikita po nating mga imahe na matanda na siya, may tungkod siya, ‘yan lang ‘yong estado niya ngayon,” saad ni Trillanes.
Pero dagdag niya,“[K]ung aalalahanin po natin noong panahon noong 2016 hanggang 2022 ay naghari-harian po ‘yan si Digong. Marami siyang pinapatay na mga Pilipino; inaping mga Pilipino.”
Matatandaang ang arrest warrant na inihain kay Duterte noong Martes, Marso 11, ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP), 20,322 drug suspects umano ang napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Si Trillanes ang isa sa mga naghain ng kaso sa ICC laban sa dating pangulo noong 2017.
MAKI-BALITA: 'Sa wakas!' Trillanes, 'wagi' sa pagkaaresto umano ni dating Pangulong Duterte