February 27, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Daniel Padilla, magbabalik-pelikula na sa Star Cinema?

Daniel Padilla, magbabalik-pelikula na sa Star Cinema?
Photo courtesy: Screenshots from Luz Bagalacsa (IG)

Mukhang magbabalik-pelikula bilang "solo artist" si Kapamilya star Daniel Padilla matapos makipagkita sa executives ng ABS-CBN at Star Cinema.

Ibinahagi sa Instagram post ng handler sa Star Magic na si Luz Bagalacsa ang pakikipagkita ni DJ kina ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, ABS-CBN COO na si Cory Vidanes, at iba pang mga taga-Star Cinema para sa isang meeting.

"What a warm and fun catching up with @supremo_dp #andresmalvar , star cinema peeps and our dear big bosses," mababasa sa caption.

Simula nang maghiwalay sila ng reel at real partner na si Kathryn Bernardo at mabuwag ang tambalan nilang "KathNiel" ay hindi pa ulit nagkakaroon ng pelikula si Daniel, na siya lamang mag-isa o may ibang katambal. 

Pelikula

Pelikula ni Maris Racal, wagi sa 75th Berlin International Film Festival

Samantala, wala pang anumang detalye patungkol sa nabanggit na proyekto.