Tila nagulat ang “Revival King” na si Jojo Mendrez sa biglang pagsulpot ni actor-dancer Mark Herras sa isinagawang media conference para sa pagpirma niya ng kontrata sa Star Music.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Pebrero 19, pagkatapos daw ng mediacon ay itinanghal ni Jojo ang isa sa mga latest track niya.
Habang kumakanta, bigla raw bumulaga si Mark na may dalang bulaklak at lumapit pa sa kaniya para bumeso.
Hindi tuloy naiwasang magtilian at magpalakpakan ng mga taong nasa venue. Pero pagkatapos nito ay nagpaalam na raw si Jojo dahil sumama raw ang pakiramdam.
Matatandaang inintriga ng mga netizen kamakailan sina Mark at Jojo matapos silang maispatang magkasama sa isang casino.
Ngunit sa panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kay Jojo noong Pebrero 14, nilinaw ng huli na wala raw malisya ang pagkikita nila ni Mark.
MAKI-BALITA: Singer at negosyanteng kasama ni Mark Herras sa casino, nagsalita na