February 16, 2025

Home BALITA National

Bulkang Kanlaon, 8 minutong nagbuga ng abo!

Bulkang Kanlaon, 8 minutong nagbuga ng abo!
(Courtesy: Phivolcs/FB screengrab)

Walong minutong nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado ng hapon, Pebrero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang ash emission sa summit crater ng Kanlaon Volcano dakong 2:32 ng hapon, at umabot ito nang limang minuto base sa seismic at infrasound records nito. “The event generated a grayish plume that rose 1,500 meters above the summit crater before drifting to the general west based on IP camera recordings on the southern side of the edifice,” anang Phivolcs.

Naiulat daw ang ashfall sa mga barangay na Abuanan, Binubuhan, Dulao, Ilijan, Ma-ao, at Mailum, Bago City, Negros Occidental. 

Nananatili pa rin ang alert status ng bulkan sa Alert Level 3 (magmatic unrest).

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Matatandaang noong Disyembre 9, 2024 nang itaas sa Alert Level 3 ang Kanlaon matapos maitala ang pagputok nito.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!