February 11, 2025

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
(Courtesy: Phivolcs/website)

Isang 4.3-magnitude na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Martes ng madaling araw, Pebrero 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:25 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 223 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 172 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Makabayan, sinimulan kampanya sa Liwasang Bonifacio: ‘Baguhin na ang bulok na kalakaran!’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.