January 20, 2025

Home BALITA Internasyonal

Donald Trump, muling ibinalik ang TikTok sa US

Donald Trump, muling ibinalik ang TikTok sa US
Photo courtesy: screenshot from GMA News/Facebook and Pexels

Diretsahang inanunsyo ni US President-elect Donald Trump ang muling pagbabalik ng TikTok platform sa Amerika, nitong Lunes, Enero 20, 2025.

"As of today, TikTok is back!” ani Trump sa araw ng kaniyang panunumpa.

Ngayong Lunes, nakatakdang manumpa si Trump bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos matapos manalo sa Presidential elections noong Nobyembre 2024.

Kasunod nito, matapos lamang ang halos 14 oras simula nang ma-ban ang naturang social media platform sa Amerika, ilang TikTok users ang nagpahayag na nakabalik na sila sa TikTok. 

Internasyonal

Fil-Am muppet sa Sesame Street, pinusuan: 'Representation for all kids matters!'

Samantala, ayon naman sa ilang ulat ng international news outlets, bagama’t unti-unti nang nagsimula ang restoriation ng TikTok services sa US, hindi pa rin ito maaaring ma-download ng bagong users dahil sa pagkawala nito sa Apple Store at Google Play.

Ilang netizens naman ang nagbahagi ng mensaheng bumungad daw sa kanila sa pagbabalik ng TikTok.

“Welcome back! Thanks for your patience and support. As a result of President Trump's efforts, TikTok is back in the U.S! You can continue to create, share, and discover all the things you love on TikTok,” anang TikTok.

Matatandaang tuluyang naging epektibo ang pagbabawal ng TikTok sa US nitong Linggo, Enero 19, kung saan tinatayang 170 milyong users ang naapektuhan ng nasabing batas na nagbawal dito. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ilang sikat na content creators na naapektuhan ng pag-ban ng TikTok sa US