Ibinahagi ng Pinoy pride at “The Voice USA” champion na si Sofronio Vasquez ang ipinangako raw sa kaniya ng coach niyang si Michael Bublé matapos niyang manalo sa naturang kompetisyon.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Sofronio na tutulungan daw siya ni Michael hangga’t hindi siya nagkakaroon ng bilyon.
“‘Yong initial conversation, Tito Boy, is to fulfill the win. [...] Hopefully, makapag-record ng magandang album and to release it,” saad ni Sofronio.
Dagdag pa niya, “All of it po, Tito Boy, the decision-making also, part of it is Michael Bublé. Kasi he promised me na he will not stop helping me not until I reached a billion.”
Ayon kay Boy, tumatanaw daw ng malaking utang na loob si Michael sa mga Pilipino dahil dito raw nito nakita ang buong-buong pagmamahal.
Matatandaang nag-uwi si Sofronio ng premyong $100,000 at recording contract matapos magkampeon sa nabanggit na kompetisyon, kung saan, si Sofronio ang kauna-unahang purong Asyanong nagwagi rito.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA