January 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Darryl Yap kay Arnold Clavio: 'Wag mo akong malecture-lecturan'

Darryl Yap kay Arnold Clavio: 'Wag mo akong malecture-lecturan'
photo courtesy: Darryl Yap/FB, Arnold Clavio/IG

Pinatutsadahan ni Darryl Yap ang news anchor na si Arnold Clavio matapos nitong magbigay-reaksyon tungkol sa pelikula niyang "The Rapist of Pepsi Paloma."

Matatandaang isa-isa inilahad ni Clavio ang kaniyang sentimyento tungkol sa pelikula. Isa sa mga nabanggit niya na malabo raw payagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang naturang pelikula ni Yap. 

"Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya . Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation. Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?"

BASAHIN: Arnold Clavio sa pelikulang 'The Rapist of Pepsi Paloma': 'Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa'

Tsika at Intriga

Di na alam salitang love life: Piolo 13 years na palang single, bakit kaya?

Nitong Sabdo, Enero 4, naglabas ng open letter si Yap kay Clavio sa kaniyang Facebook account. Nagpasalamat una si Yap sa mamamahayag dahil sa pagbabahagi nito ng opinyon para sa kaniyang pelikula. 

"Ibig sabihin, naglaan ka ng oras at kaisipan para ihayag sa publiko ang kung anumang sa palagay mo ay tama," ani Yap. 

Kasunod nito sinabi ng direktor ng pelikula na kung sino si Clavio para pangunahan ang MTRCB. 

"Ngayon, opinyon ko naman tungkol sa sinabi mo: SINO KA, PARA PANGUNAHAN ANG PAMUNUAN NG MTRCB NA HARANGIN ANG PELIKULANG HINDI PA NARARATING ANG KANILANG TANGGAPAN.  Hindi lang pambabastos sa pinaghirapan namin—kundi maging kay MTRCB Chair Lala Sotto ang pinagsasasabi mo—SINO KA, PARA MAGDESISYON PARA SA KANYA.

"Pinagmumukha mo siyang may gustong pagtakpan at natatakot— Hindi ganon si Chair Lala, pinakita na niya ang kanyang pagiging patas sa maraming sitwasyon," patutsada ni Yap.

Dagdag pa niya, wala raw saysay kung pagbabatayan ang pamagat. 

"Alam mo Igan, malinaw naman na di natin feel ang isa’t-isa, pero wag ka naman manabotahe—Hindi ko naman gagawin yung 'ANG PAGLABAG KAY BALABAGAN' ayoko gumawa ng film tungkol sa reporter na nabuntis ang traumatized and abused na OFW na kinocover lang nya ang istorya kaya chill ka lang.

"Wag mo kong malecture-lecturan sa moralidad at tama o mali ha—yung ibinibintang sa akin—puro imbento. puro bunganga. Yung sa’yo…may bunga," pasaring pa ng direktor. "HAPPY NEW YEAR SA INYO NI ARN ARN."

Ang tinutukoy ni Yap sa sinabi niyang "Ang Paglabag kay Balabagan," ay si Sarah Balabagan—isang domestic helper noon sa UAE kung saan sangkot ito sa pagpatay, matapos umano nitong patayin ang kaniyang employer dahil sa tangkang panggagahasa sa kaniyang nito. 

Si Arnold Clavio ang isa sa mga TV reporter noon na nag-cover tungkol kay Balabagan nang bumalik ito sa bansa. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong 2020, makalipas ang 22 taon, inamin umano mismo si Balabagan na si Clavio ang ama ng kaniyang panganay niyang anak.

Sa isang live video noon, ikinuwento ni Balabagan ang tungkol sa kanila ni Clavio. Aniya, una silang nagkita noong Agosto 1, 1996 noong ininterview siya tungkol sa nagawa niyang krimen no'ng domestic helper pa lamang siya sa UAE. Simula noon, naging magkaibigan sila at nagkaroon umano ng relasyon. Pero pinapaalalahanan siya ni Clavio na maging tahimik lang sa kanilang relasyon. 

”Si Arnold Clavio. Siya ang ama ng panganay ko. Alam ko po na nagkasala po ako. Saludo po ako sa maybahay niya dahil nungmalaman niya 'yon totoo, siya po ang nag-reach out sa akin sa Messenger. ‘Sarah, I forgave you.”