Muling nagbuga ng mga abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Martes ng umaga, Disyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa ulat ng Phivolcs, nagsimula ang ash emission sa tuktok ng Kanlaon dakong 11:37 ng umaga.
Bumuo ito ng dark plume na may taas na 1200 metro na inaasahang magpapaulan ng abo sa timog at timog-kanlurang sektor ng bulkan.
Dagdag ng Phivolcs, dakong 11:48 ng umaga nito ring Martes nang matapos ang ash emission ng Kanlaon.
Nananatili pa rin naman ang status ng bulkan sa Alert Level 3 (magmatic unrest).
Matatandaang noong Disyembre 9 pumutok ang Kanlaon, dahilan kaya’t itinaas ito ng Phivolcs sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 2 (increasing unrest).
MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!