December 20, 2024

Home SHOWBIZ

Hilda Koronel, nami-miss si Christopher De Leon

Hilda Koronel, nami-miss si Christopher De Leon
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT), Christopher De Leon (IG)

Nausisa ang batikang aktres na si Hilda Koronel kung sino sa mga kaibigan at nakatrabaho niya noon ang nami-miss niya ngayong siya ay magbabalik-pelikula.

Sa isang episode ng “On Cue” kamakailan, medyo matagal bago napangalanan ni Hilda kung sino ang nami-miss niyang artista dahil wala raw siyang masyadong naka-close sa mga nakatrabaho niya.

“Wala akong masyadong ka-close ‘cause I was so busy with my children before, e. So, ‘di ako masyadong lumalabas,” saad ni Hilda.

Dagdag pa niya, “Hindi ako masyadong mahilig mag-party kahit sa abroad or even here because I had my children and then before that I was going to school, nagtatrabaho ako. And I wanted to finish my schooling, e.”

Pelikula

Jane de Leon, inisa-isa tingin niyang deserving maging ‘best actress’ sa MMFF

Kaya naman minsan, hindi raw maiwasang masabihan si Hilda na “snob” dahil hindi raw siya dumadalo sa mga pagtitipon kahit gagawaran siya ng parangal.

“Pero atleast working with Boyet, Christopher De Leon definitely and a lot of other people,” pagpapatuloy ng batikang aktres, “but si Boyet ang nami-miss ko talaga. Favorite leading man ko 'yon.”

Matatandaang nagkasama sina Hilda at Christopher sa classic film ni award-winning director Mike de Leon na “Kung Mangarap Ka’t Magising” noong 1977.