December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Coco, napaiyak ni Julia

Coco, napaiyak ni Julia
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Dean Petran (IG)

Nausisa si Kapamilya actress Julia Montes kung napanood ba ng rumored partner niyang si Coco Martin ang kaniyang teleseryeng “Saving Grace.”

Sa latest episode ng “On Cue” nitong Martes, Disyembre 17, sinabi ni Julia na naiyak daw si Coco sa dulong bahagi ng unang episode nito.

Ayon sa kaniya, “Naiyak siya,” lahad ni Julia. ”Especially sa dulong part ng episode one. Si Co kasi super…sobrang soft-hearted na tao ‘yan.”

“Siyempre ‘yong gano’ng eksena, nakakadurog ng puso talaga. And na-appreciate niya lahat. Siyempre nagdi-direct siya, nagpo-produce, and as an actor na-appreciate niya,” dugtong pa ni Julia.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Kaya naman, ibinabalita raw ni Julia sa mga direktor nila ang inihayag na pagkatuwa ni Coco sa kanilang proyekto.

“Happy ako na narinig ko sa kaniya na proud na proud siya. And parang iba na naman nga raw ‘yong pinakita ko rito. So, coming from him I’m very happy,” aniya. 

Matatandaang maraming netizens ang naantig matapos ilabas ang trailer ng “Saving Grace” noong Nobyembre 7. Eksklusibong mapapanood ang naturang teleserye sa online streaming platform na Prime Video.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Saving Grace,' nagpaluha sa netizens

MAKI-BALITA: Julia Montes, 'Mother' na

MAKI-BALITA: Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'