December 14, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/website

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Disyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:32 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 143 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 11 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

ALAMIN: Ano nga ba ang AKAP at sino ang mga benepisyaryo nito?

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.