December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pasaring ni John Lapus, para kay Boy Abunda?

Pasaring ni John Lapus, para kay Boy Abunda?
Photo courtesy: John Lapus (IG)/Balita File Photo

Usap-usapan ang X post ng komedyante, direktor, at TV host na si John Lapus, na bagama't walang binanggit na pangalan at konteksto, ay hinulaan ng mga netizen na para daw kay Asia's King of Talk Boy Abunda.

"Ay nag comment! Linis ha. Baka ilabas ko ang mga Globe Tracker pics & vids. ," anang Sweet [palayaw ni John] noong Disyembre 6 ng gabi.

Photo courtesy: John Lapus (X)

Espekulasyon ng mga netizen, parinig daw ito ni Sweet kay Boy na nagkomento naman sa "cheating issue" nina Kapamilya stars Maris Racal at Anthony Jennings, sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda."

KAUGNAY NA BALITA: Boy Abunda, duda sa pahayag ni Maris Racal?

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, nagsalita na sa inisyung 'May ABS pa ba?'

Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan, batay na rin sa hula ng isang netizen, ang tinutukoy raw kasi ni Sweet na "Globe tracker" ay ang isyung mga lumabas noong 2007 na natuklasan daw ni John ang ex-boyfriend na nagtutungo sa bahay ng Tv host sa pamamagitan ng tracker na nasa cellphone nito, na bigay naman niya.

Naglapag naman ng resibo ang nabanggit na netizen ng isang screenshot mula sa write-up ng Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa isyu, na nailathala noong Hulyo 2, 2007.

Mababasa rito, nang komprontahin daw ni Sweet ang ex-jowa kung bakit batay sa tracker ay nagpupunta siya sa bahay ni Boy, ang paliwanag daw nito, ay nagpapatulong daw siya para kaniyang career.

Bukod kasi sa TV host ay isa ring talent manager si Boy.

Batay pa sa artikulo, nakiusap pa raw ang dating karelasyon ni Sweet na kung sana ay itago muna ang kanilang relasyon dahil baka hindi siya tulungan ni Boy.

Itinanggi naman ni Sweet ang bersyon na nagpang-abot daw sila ni Boy at nagkasampalan pa. 

Photo courtesy: @JamerClaren (X)/PEP

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina John at Boy kaugnay sa isyung ito.