Ipinagtanggol ni showbiz insider Ogie Diaz ang aktres na si Sarah Lahbati mula sa pang-iintriga ng ilang netizens sa pagbebenta nito ng gamit.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Abril 11, sinabi ni Ogie na wala umanong problema sa ginagawa ni Sarah.
“Wala namang problema kung nagbebenta ng damit si Sarah. Gamit naman niya yata ‘yon, e, ‘di ba?” saad ni Ogie.
Sundot naman ng co-host niyang si Mama Loi, “Saka ‘yon nga, e. Tama rin ‘yong ibang nagko-comment. Madalas ‘pag halimbawang you want to make room for new bags, new items minsan kailangan mo ring mag-let go.”
“Hindi naman porke nagbebenta, naghihirap,” sabi pa ni Ogie. “Baka malay mo naman, wala nang space sa bahay. Sobra-sobra na. May bagong biniling bag. Hindi niya kailangan ‘yong mga lumang bag. “
Kabilang sa mga luxury item na ibinebenta umano ni Sarah ay crochet tote bag, satchel bag, bangle, shoulder bag, at iba pa.
Samantala, matatandaang kamakailan lang ay napaulat na binabalak ng aktres na bumili ng apartment sa Paris na nagkakahalaga ng ₱348 milyon.
Ito ay para kung sakali umanong naisin ng mga anak niya na mag-aral sa Europe ay mayroon silang matutuluyan.
Maki-Balita: Sarah Lahbati, pinaplanong bumili ng ₱348M apartment sa Paris