April 12, 2026

Home SHOWBIZ

Sarah Lahbati, pinaplanong bumili ng ₱348M apartment sa Paris

Sarah Lahbati, pinaplanong bumili ng ₱348M apartment sa Paris
Photo Courtesy: Sarah Lahbati (IG)

Naghahanap ang aktres na si Sarah Lahbati ng apartment sa Paris na nagkakahalaga ng ₱348 milyon matapos maitampok sa reality series na Netflix na “The Parisian Agency: Exclusive Properties.”

Sa isang episode ng nasabing programa kamakailan, nakausap ni Sarah ang host nitong si Valentin Kretz sa wikang French.

Tinatayang nasa €5 milyon ang hawak na budget ni Sarah para sa apartment na hinahanap.

Kaya naman ipinakita ni Valentin sa aktres ang isang apartment na matatagpuan sa sentro ng Paris na puwedeng matuluyan paminsan-minsan.

Kung susumahin, nasa 165-square-meter ang lawak ng nasabing apartment na may apat na kwarto at primary bedroom na may kasamang walk-in closet. 

Kyline Alcantara, sumaklolo sa mga apektado ng fuel price hikes

Ayon kay Sarah, gusto niyang makabili ng apartment sa Paris dahil sa posibilidad na makapag-aral ang mga anak niya sa Europe.

“Because it’s really a dream for me. Maybe one day my kids could study here. So, hopefully that happens,” anang aktres.

Bagama’t medyo naliliitan siya sa living room ng apartment na ipinasilip sa kaniya ni Valentin, naghayag pa rin naman siya ng interes.

Sa katunayan, hiningi ni Sarah ang mga litrato ng apartment kay Valentin upang maipakita rin niya sa kaniyang ina at mga anak.

“I’ve got a really good feeling about this apartment,” sabi niya. “I’ll see you when I’m back in Paris.”