February 23, 2025

Home BALITA

Getting stronger? VP Sara, 'di kinalimutang pasalamatan si Sen. Imee

Getting stronger? VP Sara, 'di kinalimutang pasalamatan si Sen. Imee
Photo courtesy: Office of the Vice President and Sen. Imee Marcos/Facebook

Kasunod ng kaniyang pahayag na wala raw siyang balak magpatawad sa darating na kapaskuhan, nagpasalamat naman si Vice President Sara Duterte sa mga sumuporta raw sa Office of the Vice President (OVP) sa mga pinagdaanan daw nitong pagsubok kamakailan.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, sinabing ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad: ‘Pero ‘di ako magpapatawad!’

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 5, 2024, inihayag ng OVP ang kanilang pasasalamat. 

“Nagpapasalamat ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa lahat ng mga tumulong, sumuporta, at nagpaabot ng pakikiisa at pagdamay sa opisina nang humarap ito sa krisis at kagipitan kamakailan,” saad ng OVP.  

National

33 volcanic earthquakes, naitala sa Kanlaon – Phivolcs

Kaugnay nito, sa kabila ng sigalot sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nagpaabot din ng pasasalamat si VP Sara sa kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos na ayon sa kaniya ay nag-asikaso raw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) order upang matiyak daw na may magbabantay noon sa kaniyang chief-of-staff na si Atty. Zuleika Lopez. 

“At kay Senador Imee Marcos na tiniyak na mayroong DILG order para payagan si VP Sara Duterte at Senador Bato Dela Rosa  na magbantay ng pasyente sa (Veterans Memorial Medical Center) VMMC,” anang OVP. 

Nobyembre 24 nang bumisita si Sen. Imee sa VMMC upang umano’y bisitahin si Lopez. 

KAUGNAY NA BALITA: Para kanino? Sen. Imee Marcos, naispatan sa Veterans Memorial Medical Center

Matatandaang umugong rin ang mga bali-balita sa posibilidad na may lamat na raw ang samahan nina VP Sara at ni Sen. Imee matapos ang naging maaanghang na pahayag ng Pangalawang Pangulo sa isang press conference kung saan ikinuwento niya na nakahanda raw siyang hukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa libingan ng mga bayani at itapon daw ito sa West Philippine Sea. 

“Hindi ko alam. Pero isang beses sinabihan ko talaga si Senator Imee sabi ko sa kaniya, 'Kung 'di kayo tumigil, huhukayin ko 'yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea... One of these days, pupunta ako doon [Libingan ng mga Bayani], kukunin ko 'yang katawan ng tatay ninyo tapon ko 'yan doon sa West Philippine Sea.,”saad ni VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

Matapos ang naturang pahayag, inamin din ni VP Sara sa isang ambush interview na tila naging “cold” daw si Sen. Imee sa kaniya. Nilinaw naman ng Bise na hindi niya raw inaatake ang naturang senador. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inaming naging ‘cold’ si Sen. Imee: ‘Wag mainis sa’kin, mainis siya kay Martin!’