February 02, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Malupiton, magkakaroon na ng pelikula!

Malupiton, magkakaroon na ng pelikula!
Photo Courtesy: Malupiton (FB)

Kinumpirma ng komedyante at content creator na si Joel Ravanera o mas kilala bilang “Malupiton” na magkakaroon na siya ng debut film na siya mismo ang bibida.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Disyembre 1, nagbigay si Malupiton ng ilang detalye tungkol sa nasabing pelikula.

“Mayro’n po kaming ginagawang movie ngayon. [...] Actually, third day shoot na po namin kahapon. Ang title po nito ‘He’s Dating A Bold Star,’” saad ni Malupiton.

Dagdag pa niya, “Ako po ‘yong bida do’n na lalaki. Tapos si Analyn Barro ‘yong leading lady ko po do’n.”

Pelikula

Pagsasama nina Barbie Forteza at Eugene Domingo sa pelikula, kinasasabikan!

Matatandaang nakilala si Malupiton dahil sa mga nakakatuwa niyang content tulad ng ginagawa niyang gibberish rap at skit ng pambubudol sa suki niyang customer.

Maraming netizen ang natuwa sa paraan niya ng pagpapatawa. Sa katunayan, ayon sa kaniya, may nakapagsalba na raw ng buhay ang kaniyang mga biro at hirit.

MAKI-BALITA: Malupiton, nakasagip ng buhay dahil sa pagpapatawa