January 22, 2025

Home BALITA

'Bangkay' sa India, bumangon bago i-cremate!

'Bangkay' sa India, bumangon bago i-cremate!

Muntik nang ma-cremate ang isang 25-anyos na Indian national na may speaking at hearing difficulty matapos akalaing patay na siya, at idiniretso na sa facility para sa proseso ng cremation.

Ngunit bago pa maisakatuparan ito, bumangon ang unang inakalang patay na, na si Rohitash Kumar, na isinugod sa isang ospital sa Rajasthan sa northwestern part ng India dahil sa isang karamdaman.

Nobyembre 21, Huwebes, nang makaranas ng epileptic seizure si Kumar at ni-revive sa pamamagitan ng CPR subalit nag-flatline na umano siya at dineklarang patay, kahit hindi naman daw sumailalim sa post-mortem examination para malaman ang tunay na dahilan ng kamatayan, ayon sa ulat ng The Times of India.

Nang mapag-alamang buhay pa si Kumar ar agad itong ibinalik sa ospital. Ayon pa sa ulat, sinuspinde na ang tatlong doktor na sumuri sa kaniya at nagdeklarang patay na siya, matapos siyang ipadala agad sa mortuary para sa cremation, na batay naman sa Hindu rites.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa panayam naman sa chief medical officer ng ospital, napag-alaman nila na may ginawang post-mortem report para kay Kumar subalit hindi naman talaga isinagawa ang procedure na ito. Malinaw raw na isa itong negligence of duty ng mga doktor. 

Bukod sa suspensyon, hindi pa malinaw kung ano-ano pang kaso ang naghihintay laban sa mga doktor o sa ospital kaugnay ng insidente.