December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai Delas Alas, Gerald Sibayan split na nga ba?

Ai Ai Delas Alas, Gerald Sibayan split na nga ba?
Photo Courtesy: via MB, Ai Ai Delas Alas (IG)

Umuugong ngayon ang bulung-bulungan na hiwalay na umano ang mag-asawang sina Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Nobyembre 8, nasagap umano ng Cabinet Files na kumpirmado na raw ang hiwalayan ng dalawa.

Ayon pa sa ulat, sasalang umano si Ai Ai sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa mismong kaarawan niya sa darating na Lunes, Nobyembre 11.

At sa nasabing talk show, inaasahan daw na doon isisiwalat ni Ai Ai ang tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Gerald.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero bago pa man ito, nauna nang makapanayam ni Boy si Ai Ai sa “My Mother, My Story” noong Oktubre. Ngunit kapuna-puna raw na hindi man lang nahagip sa pag–uusap ang tungkol sa love life nito.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas aminadong malandi, sutil

MAKI-BALITA: Jiro Manio, Ai Ai Delas Alas muling nagkita!

Kung susumahin, mag-iisang dekada nang nagsasama ang dalawa. Ikinasal sila noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Quezon City.

Matatandaang minsan na ring lumutang ang tsikang hiwalay na sina Ai Ai at Gerald noong Pebrero 2024. Pero sinupla raw agad ito ng Kapuso comedy queen, ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Ai Ai delas Alas, naimbyerna; hindi raw susunod sa nauusong hiwalayan

Pero sa ngayon, abang-abang na lang muna tayo ka-Balita sa mga iispluk ni Ai Ai.