December 26, 2024

Home BALITA National

Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!

Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!
Courtesy: PAGASA/FB

Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Northeastern Cagayan dahil nananatili raw dito ang “life-threatening conditions” matapos mag-landfall ng bagyong Marce sa Santa Ana, Cagayan.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce vicinity ng Santa Ana, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 4

- Northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang na ang Babuyan Islands

- Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol)

- Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)

Signal No. 3

- Batanes

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

- Northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued)

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)

Signal No. 2

- Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Kalinga

- Mountain Province

- Northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)

- Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan)

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)

Signal No. 1

- Mga natitirang bahagi ng La Union

- Pangasinan

- Mga natitirang bahagi ng Ifugao

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan)

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Base sa forecast track ng PAGASA, dadaan ang bagyo sa Aparri Bay at posibleng magla-landfall magla-landfall muli sa baybayin ng northwestern mainland Cagayan mamayang gabi.

Hindi inaalis ang posibilidad na maging “super typhoon” ang Marce pagkatapos dumaan sa northeastern Cagayan. Gayunpaman, posible itong humina ngayon ding Huwebes dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon, bagama’t mananatili ang bagyo sa “typhoon” category sa buong pagdaan nito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) region.

Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.