October 17, 2024

Home SHOWBIZ

Liam Payne, pumanaw na

Liam Payne, pumanaw na
(photo courtesy: AP file photo)

Pumanaw na ang dating miyembro ng One Direction na si Liam Payne sa edad na 31.

Ayon sa mga ulat, natagpuang wala ng buhay ang British singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

Sa isang pahayag, sinabi ng Buenos Aires police na nahulog si Payne mula sa ikatlong palapag ng Casa Sur Hotel sa Palermo, Argentina na nagresulta umano sa  “extremely serious injuries."

Kinumpirma rin umano ng medics na "dead on the spot" ang British singer, base sa ulat ng AP.

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

Samantala, iniimbestigahan na rin ng pulisya ang pagkamatay ni Payne at magsasagawa umano ng autopsy.

Nakilala si Payne bilang miyembro ng Bristish boyband na One Direction kung saan kasama niya rito sina Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson at Niall Horan. Nabuo. ang grupo noong 2010.