October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz, Kim Chiu may tampuhan nga ba?

Ogie Diaz, Kim Chiu may tampuhan nga ba?
Photo Courtesy: Ogie Diaz,Kim Chiu (FB)

Inintriga nina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan.

Sa isang bahagi kasi ng showbiz-oriented vlog, pinababati ni Ogie sa dalawa niyang co-host si Kim na kamakailan ay kinilala bilang “Outstanding Asian Star” sa South Korea.

Pero usisa ni Mama Loi: “Okay na kayo?”

“Di ko alam sa kaniya. Basta gusto ko siyang batiin,” sagot ni Ogie sabay tawa.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

May iba raw kasing mga nagsasabi na hindi raw okay sina Ogie at Kim, ayon kay Mama Loi. Pero alam naman daw nito na maayos ang dalawa.

“Basta ako, wala akong problema,” sabi pa ng showbiz insider.

Pero humirit pa si Dyosa Pockoh: “So, Tito Ogie, ‘di mo alam kung may problema sa ‘yo si Kim Chiu?”

Natawa na lamang si Ogie at napakamot sa bandang kilay dahil sa sinabi ng co-host.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Kim hinggil dito.