Nirespondehan ng mga doktor mula sa South Korea ang isang pasaherong inatake sa puso, habang papunta sila sa Pilipinas para sa isang conference.
Ayon sa mga ulat ng international media, isa sa mga doktor, na kinilalang si Kim Jeong-hwan, isang propesor ng family medicine sa Gangnam Eulji Medical Center, ang nagbahagi sa kaniyang social media na pito hanggang walong doktor mula sa Korean Academy of Family Medicine ang nasa Incheon to Manila flight para sa World Family Medicine Congress Asia-Pacific Regional Academic Conference noong Marso 24.
Aniya, pagka-takeoff ng sinasakyan nilang eroplano, agad nilang narinig ang “Doctor Call” alert” dahil sa isang pasaherong babae na nahimatay sa tapat ng banyo, kung saan, dalawang flight attendant ang umaasiste rito.
Noong una raw, sinubukan nilang i-intubate ang pasahero, ngunit dahil sa malaking pangangatawan nito at nakaharang na dila, ginamitan na laman daw nila ito ng laryngeal mask airway (LMA) na nasa eroplano, habang patuloy na binabantayan ang paghinga nito gamit ang stethoscope.
Sa kanila pa raw pagtulong, ang pinakamahirap na parte ay ang pagsagot sa kapitan ng eroplano kung iuudlot ang flight.
Sa pagresponde pa ng iba doktor sa mga sumunod pang oras, ibinahagi ni Kim na mas naging stable na ang paghinga at blood pressure ng pasyente, at naging responsive na rin ito sa pamamagitan ng paggalaw ng kaniyang ulo o pagpikit.
Paglapag nila sa Manila, agad na inilipat ang pasyente sa pangangalaga ng local medical staff rito.
Ibinahagi ni Kim na habang maituturing nilang bihira ang alerto sa mga doktor sa kasagsagan ng flight, mas bihira ang magkaroon ng maraming doktor sa iisang overseas trip.
“While receiving Doctor Call alerts occasionally, encountering such a critical case is rare. It was even rarer that so many doctors were on the same flight, heading to a conference.”
Kaya hiling niya na maka-recover ang pasyenteng tinulungan nila at mabuhay pa ng mas matagal.
“I hope that the patient, whom we barely knew, recovers fully and lives well,” saad ni Kim.