May 21, 2026

Home BALITA

Sen. Imee sa muling pagkabuhay ni Kristo: 'Simbolo ng bagong simula'

Sen. Imee sa muling pagkabuhay ni Kristo: 'Simbolo ng bagong simula'
Photo Courtesy: Screenshots from Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng mensahe si Sen. Imee Marcos kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

Sa video statement ni Sen. Imee nitong Linggo, Abril 5, sinabi niyang simbolo umano ng bagong simula ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Aniya, “Ipagdiwang natin ang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan. Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay simbolo ng bagong simula. Nawa ay magsilbing inspirasyon ito sa ating lahat. “

“Nawa ay mabuhay din sa ating mga puso ang pananampalataya, kabutihan, at malasakit sa kapuwa,” dugtong pa ng senadora.

Matatandaang ipinaalala rin ni Sen. Imee noong Sabado de Gloria na ang nasabing araw ay nakalaan para sa katahimikan at paghihintay.

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

Maki-Balita: Sen. Imee sa Sabado de Gloria: 'Araw ng katahimikan at paghihintay'

Bago pa man ito, ipinasilip na ng senadora ang kaniyang pasabog para sa mga Mahal na Araw. Nauna nang inilunsad noong Lunes Santo at Martes Santo ang dalawang video na tumutumbok sa tema ng pagpapatawad at pagsisisi.

Maki-Balita: 'Pagsisisi at pagpapatawad!' Sen. Imee, may pasabog sa Lunes at Martes Santo