September 21, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Mas grabe!' David, nag-react sa dumaraming kissing scene nila ni Barbie

'Mas grabe!' David, nag-react sa dumaraming kissing scene nila ni Barbie
Photo Courtesy: David Licauco (IG), Screenshot from GMA (YT)

Tila patuloy na nagma-mature ang tambalan nina Kapuso stars David Licauco at Barbie Forteza sa historical-drama series na “Pulang Araw.”

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, napuna ni Boy ang dumadalas na kissing scene nina Barbie at David sa nasabing serye.

“Nagbabago rin ba ang dynamics ninyong dalawa ni Barbie?” usisa ni Boy.

Sagot ni David: “I think ‘yong as workmates, as friends, mas naging mature din kami. I’d like to think na we both understand each other better now as compared to before.”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“‘Yong sa scenes naman…si Barbie napakagaling na aktres. And ako naman, saktlo lang. So depende pa rin talaga, Tito Boy, sa script, e,” wika niya. 

Dagdag pa ng Pambansang Ginoo: “Hindi lang, Tito Boy, sa mga kissing scenes, e. Even ‘yong mga scenes namin ngayon. Mas mature na in terms of emotions. So, mas grabe ‘yong hug.”

Matatandaang kamakailan lang ay naurat ang ilang netizens sa pekeng tukaan nina David at Barbie sa isang eksena nila sa “Pulang Araw.”

MAKI-BALITA: Netizens, naurat sa pekeng tukaan nina Barbie at David sa 'Pulang Araw'

Pero ilang araw matapos nito ay nagbigay ng reaksiyon si Barbie sa mga natanggap niyang komento mula sa mga netizen dahil sa pekeng kissing scene.

MAKI-BALITA: Barbie Forteza, nag-react sa hindi niya pagpapahalik kay David Licauco