September 19, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ricky Lee nagbigay ng libreng script writing courses, e-books

Ricky Lee nagbigay ng libreng script writing courses, e-books
Photo Courtesy: Ricky Lee (FB)

Inilunsad ng isang online platform ang mga libreng script writing course at e-books mula kay National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Sa Facebook post ng Pelikulove noong Lunes, Setyembre 16, inilatag nila ang mga detalye kung paano maa-access nang libre ang nasabing kurso at e-books.

“Ricky Lee’s Scriptwriting Online Courses and Downloadable E-books are available FOR FREE on Pelikulove! Kung baguhan ka sa pagsusulat ng kuwento o nais mong paghusayin ang iyong mga kakayahan, ito na ang pagkakataon mong matuto mula sa isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino,” anila.

Dagdag pa ng Pelikulove, magiging available din daw sa YouTube ang mga kurso ng National Artist na nasa webiste nila.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa kasalukuyan, si Lee ay may dalawang bagong librong inilunsad sa katatapos lang na weeklong Manila International Book Fair (MIBF) 2024.

MAKI-BALITA: Book launch ni National Artist Ricky Lee, dinaluhan ng naglalakihang celebrities

Maliban sa ginanap na paglulunsad ay pinatakam din ng National Artist ang kaniyang mga tagasuporta sa paparating pa niyang mga proyekto.

MAKI-BALITA: National Artist Ricky Lee, inihayag susunod na projects matapos 'Kalahating Bahaghari'