January 15, 2025

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Lunes ng madaling araw, Setyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:06 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 358 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 137 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.