January 23, 2025

Home BALITA

Huli pero 'di kulong! LRTA, sinaway content creator sa 'random train date challenge'

Huli pero 'di kulong! LRTA, sinaway content creator sa 'random train date challenge'
Photo courtesy: Screenshots from @TrionKwentos (TikTok)

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Light Rail Transit Authority (LRTA) hinggil sa viral TikTok video ng isang content creator na nagsagawa ng "random train date challenge" sa loob ng LRT-2.

Mapapanood sa challenge ang biglang paglalagay ng mesa sa loob ng tren ng uploader na @TrionKwentos, may kasama pang dalawang baso, kandila, at dalawang biskwit sa mesa na inihahanda ng kasamang lalaki na tila isang waiter, noong Agosto 28.

Sa ikalawang pagkakataon naman ay "challenge failed" ang content creator matapos sitahin ng guwardiya.

Nitong Lunes, Setyembre 9, ay naglabas ng opisyal na pahayag ang LRTA at sinabing labag sa patakaran ng LRT ang ginawa ng content creator, at wala rin siyang authorization para gawin ang nabanggit na content sa loob ng bagol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

TINGNAN: Light Rail Transit Authority-LRT Line 2 | Facebook

“Akala ko pwede natin gawin dito ang mga pwede gawin sa ibang bansa. Gusto ko sana ipakita sa buong mundo na maganda ang mga public transportation dito sa Pilipinas na nag improve na ang mga tren,” katwiran naman ng content creator.

Nagpaalala naman ang LRTA sa mga content creator na maging responsable sila sa paggawa ng contents nila, lalo na kung nasa pampublikong transportasyon.