Isang 4.6-magnitude na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon, Agosto 30.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:15 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 57 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 136 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.