September 13, 2024

Home BALITA Metro

Kelot na pa-senior citizen na, naatrasan ng kotse, patay!

Kelot na pa-senior citizen na, naatrasan ng kotse, patay!

Isang lalaki ang patay nang maatrasan umano ng sasakyan habang naglalakad sa Sampaloc, Manila kahapon ng Linggo ng madaling araw, Agosto 25.

Kinilala ang biktima na si alyas "Angelito," tinatayang nasa 55 hanggang 60-taong gulang, at residente ng Don Quijote St., sa Sampaloc.

Samantala, natukoy naman ang suspek na si alyas ‘Rafael,’ residente ng Florentino St., sa Sampaloc.

Sa ulat ng Investigation Section ng Manila Police District (MPD)-Sampaloc Police Station (PS-4), nabatid na dakong alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima, na nakahandusay sa bangketa, sa tapat mismo ng gate ng tahanan ng suspek.

Metro

8-anyos na nawawalang batang babae sa Rizal, natagpuang patay

Photo courtesy: via Mary Ann Santiago

Naglalakad umano sa lugar ang testigong si Danilo Soriano, barangay kagawad ng Brgy. 478, nang makita ang bangkay kaya’t kaagad na inireport sa mga awtoridad.

Sa isinagawang backtracking ng mga awtoridad sa CCTV footage sa lugar, natukoy na dakong alas-5:07 ng madaling araw nang maatrasan ng suspek ang biktima, habang minamaneho ang kaniyang kulay itim na kotse, na nagresulta sa kamatayan nito.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad kung hindi napansin ng suspek ang pangyayari kaya’t hindi hinintuan at tinulungan ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.