Inuusisa raw si showbiz insider Ogie Diaz kung totoo bang kasal na talaga ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Sa latest episode ng âShowbiz Updatesâ kamakailan, inispluk ni Ogie ang mga nakakarating umano sa kaniyang tsika na sa ibang bansa ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Ayon sa kaniya: âMaraming nagtatanong sa akin kung gaano katotoo na kasal na sina Gerald Anderson at Julia Barretto, hindi rito sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa.â
âHindi ko alam kung anong isasagot sa kanila. Kung sa ibang bansa âyan, sobrang lihim naman. And Iâm sure hindi alam ni Dennis Padilla din âyan,â dugtong pa ni Ogie.
Gayunman, sinubukan pa rin daw ng showbiz insider na padalhan ng mensahe si Gerald para alamin kung ano ang totoo.
âAng sabi lang sa akin, âikaw ang unang makakaalam âpag ikinasal na kami,â aniya.
Matatandaang sa isang panayam noong Hunyo ay naghayag si Gerald ng pagnanais na lumagay sa tahimik kasama ang jowang si Julia.
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: 'I'm closer to that'