September 21, 2024

Home BALITA National

Tagapagsalita ng LTFRB, nagbitiw sa pwesto

Tagapagsalita ng LTFRB, nagbitiw sa pwesto
Courtesy: Pircelyn "Celine" Pialago/FB

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes, Agosto 9, na nagbitiw na sa pwesto ang tagapagsila nitong si Pircelyn "Celine" Pialago.

Sa isang pahayag, ipinabatid ng LTFRB na magiging epektibo ang resignation ni Pialago sa Agosto 31, 2024.

“Thank you for your service to the agency and the Filipino public, and we wish you well on your next endeavors, Ms. Celine!” anang LTFRB.

Base naman sa resignation letter ni Pialago na may petsang Agosto 9, 2024, na ang kaniyang pagbibitiw ay lulan ng kaniyang kagustuhan ng pasukin ang mga bagong “challenge” sa kaniyang karera.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

“After much consideration, I have decided that it is time for me to move forward and pursue new challenges in my career," ani Pialago.

Bago ang kaniyang trabaho sa LTFRB, si Pialago ay nagsilbi rin bilang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Siya ay isang dating beauty pageant contestant.