September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Angeli Khang, napagod maghubad

Angeli Khang, napagod maghubad
Photo Courtesy: Angeli Khang (FB)

Inamin ni Vivamax sexy actress Angeli Khang na nakaramdam umano siya ng pagod sa paghuhubad sa mga eksena niya sa mga pelikula.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Agosto 4, sinabi ni Angeli na kailangan daw maging mentally prepared ang isang artista kung sasalang man sa mga sexual scene.

“Patagal nang patagal do’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka. But still kahit may plaster, kahit minsan may double, ‘yong point of view pa lang na while doing it kailangan mentally prepared ka na ‘yong co-actor mo comfortable kayo sa isa’t isa,” saad ni Angeli.

“And minsan nai-stress din ‘yong mga partner mo kasi ‘yong restriction minsan bawal hawakan sa dibdib. Or hanggang bewang lang or dito lang [sa balikat],” wika niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bukod dito, nakaramdam din umano si Angeli na tila siya ay na-taken advantage lalo na sa mga huli niyang pelikula.

“May times na habang naka-plaster, natatanggal ‘yong plaster kasi tumitigas. Ta’s bago pa mag-take ‘yong direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” aniya.

Kaya naman ayon kay Angeli, pinipilit umano niyang makuha agad sa unang take ang ipinapagawa sa kanilang eksena para hindi na ulit-ulitin pa.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ibinahagi ng Vivamax sexy actress ang tungkol sa umano’y childhood dream niya.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, pangarap maging pastora noon