November 24, 2024

Home BALITA National

Rep. Lagman, pinagkumpara sina VP Sara at ex-VP Leni dahil sa bagyong Carina

Rep. Lagman, pinagkumpara sina VP Sara at ex-VP Leni dahil sa bagyong Carina
Photo courtesy: Ariel Fernandez via MB; Noel Pabalate/MB; Angat Buhay/FB

Pinagkumpara ni Liberal Party (LP) President at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sina Vice President Sara Duterte at dating Vice President Leni Robredo kaugnay ng naging aksyon umano ng mga ito sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina.

Sa isang pahayag nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 25, inalmahan ni Lagman ang naging paglipad pa-Germany ni Duterte para sa kaniyang personal trip kasama ang kaniyang pamilya nitong Miyerkules, Hulyo 24, kung kailan naranasan ng malaking bahagi ng bansa ang hagupit ng bagyong Carina.

Giit ni Lagman, wala umanong malasakit si Duterte sa mga Pilipinong nahihirapan dahil sa bagyo.

“Vice President Sara Duterte left hundreds of thousands of Filipinos in agony and despair due to the onslaught of super typhoon Carina as she flew with her family to Germany last Wednesday for an apparent vacation,” ani Lagman.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Her lack of empathy and concern is appalling as Metro Manila and many parts of the country are reeling in a state of emergency,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang ipinaliwanag ng Office of the Vice President (OVP) nito ring Huwebes na noon pang Hulyo 9, 2024 nang matanggap ni Duterte ang travel authority mula sa Office of the President (OP) para sa naturang “personal trip” kasama ang kaniyang pamilya. Patuloy rin umanong nakahanda ang OVP sa kanilang relief operations kahit nasa Germany ang bise presidente.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH

MAKI-BALITA: OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Samantala, binanggit ni Lagman na ibang-iba umano ang ginawa ni Duterte sa Angat Buhay Foundation ni Robredo na patuloy raw na nagbabahagi ng tulong sa mga nabiktima ng bagyo kasama ang kanilang mga volunteer.

MAKI-BALITA: Angat Buhay, nakikipagtulungan sa rescue operations sa NCR

“This is in stark contrast with the Angat Buhay Foundation of former Vice President Leni Robredo which has been spontaneously and continuously aiding the victims even as its immediate help and assistance has inspired volunteerism among citizens,” giit ni Lagman.

“The sincerity of public leaders must be gauged by their selflessness and support in times of nationwide calamities and emergencies,” saad pa niya.