Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:59 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, na may lalim na 91 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.