September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Billy Crawford, itinangging adik siya

Billy Crawford, itinangging adik siya
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Nagbigay ng pahayag ang TV host-actor na si Billy Crawford kaugnay sa kumakalat umanong intriga na gumagamit siya ng droga kaya namamayat.

Sa panayam ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas kamakailan, sinabi ni Billy na hindi raw siya adik at kumpiyansa pa nga siya na sumailalim sa drug test.

"Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far one of the few artists [who] are the ones who don't try drugs,” saad ni Billy.

“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon. No problem. I have nothing to hide," wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa niya: “Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that's it. I'm living, I think, my life to the fullest right now."

Matatandaang nagbigay din ng pahayag ang asawa niyang si Coleen Garcia tungkol sa kalusugan ni Billy noong Mayo.

MAKI-BALITA: Coleen sa kalusugan ng asawang si Billy: 'He's more than okay'

Ito ay matapos kumalat ang larawan ng kaniyang mister na tila mula sa isang video kung saan makikita ang labis na pamamayat nito.

MAKI-BALITA: Pamamayat ni Billy Crawford, ikinabahala ng netizens

Pero bago pa man ito, tila pasimple nang sinagot ng aktres ang mga intriga tungkol sa pisikal na anyo ni Billy sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Coleen Garcia, inilantad totoong hitsura sa bahay: ‘I look sick’