November 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Seryeng Abot Kamay na Pangarap, nilalaro na lang?

Seryeng Abot Kamay na Pangarap, nilalaro na lang?
Photo courtesy: Screenshots from GMA Drama (FB)

Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang muling pagbabalik ng karakter ni Pinky Amador sa top-rating teleserye ng GMA Network sa afternoon prime, ang "Abot Kamay na Pangarap," bilang si "Morgana Go."

Ang nakakaloka kasi rito, pamilyar ang mga netizen sa linyahan ni Morgana na half-sister daw ni "Moira Tanyag," ang original kontrabida sa serye, na sa mga nagdaang episode ay pinatay at ipina-cremate na nga.

Pero makalipas ang ilang episodes, heto't muling nagbabalik si Pinky para mang-inis ulit, sa karakter na Morgana Go, na lumaki raw sa farm at nag-homeschool sa pagtuturo ng isang "Teacher Jubilyn."

GMA Drama - Grabe ang resemblance ni Morgana at Moira! Papasa na... | Facebook

Teleserye

Coco Martin, nahiya nang ipasok sa 'Batang Quiapo' 2 niyang kapatid

Ang naging komprontasyon ng mga karakter nina Dina Bonnevie at Richard Yap kay Morgana Go ay parang eksena mula sa Senate hearing na isinagawa ni Sen. Risa Hontiveros sa kontrobersiyal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na nababalot ang pagkakakilanlan at pagkamamamayan, bukod pa sa patong-patong na kasong kinahaharap na may kinalaman sa POGO.

Sey ng mga netizen, nararapat na raw tapusin ang nabanggit na serye dahil masyado nang pinahahaba at kung saan-saan na raw napupunta ang istorya.

"Nilalaro na lang tayo ng GMA hahaha."

"Sounds familiar hahahaha."

"Hindi ako nanonood nito pero , Hindi KO maintindihan Kung bakit kailangan maging magulo ang sturya .."

"hindi na naabot ni Analyn yung pangarap niya hahaha."

"Hindi na abot kamay ang mga pangarap kasi humaba na nang humaba hahaha."

"Dogshow hahahaha."

"Medical serye na masyado nang naoperahan hahaha."

Samantala, napag-alamang si Morgana at Moira ay iisa at pinalabas lamang na patay na ang huli, sa pamamagitan ng mga kaibigan niya sa medical field.

Wala pang reaksiyon o komento ang pamunuan ng GMA Network sa panawagan ng mga netizen na tapusin na ang serye dahil in fairness, kahit ganito ay pumapalo pa rin ito sa ratings at patuloy na pinag-uusapan.